Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Elisa Morgan

Nakatingin ang Dios

Isang umaga, habang pinagmamasdan ko ang labas ng aming bahay mula sa aming bintana, napansin ko ang isang agila. Nakadapo ito sa mataas na sanga ng puno at sinisiyasat ang buong lugar na para bang pag-aari niya ito. Mukhang nagbabantay ito ng kanyang kakainin.

Sa 2 Cronica 16, ipinaalam ng propetang si Hanani kay Haring Asa na may nagbabantay sa kanyang…

Gawang-kamay

Isang mahusay na mananahi ang aking lola na tinatawag kong Munna. Nireregaluhan niya ako ng mga tinahi niya tulad ng damit at kumot sa bawat mahahalagang pangyayari sa buhay ko tulad ng graduation at kasal ko. Binuburdahan niya ito ng, “Gawang Kamay ni Munna para sa’yo.” Ramdam ko sa bawat ibinibigay ng lola ko ang pagmamahal niya at naniniwala siya na…

Hindi Nakilala

May biglang tumapik sa balikat ko habang nasa pila ako pasakay ng eroplano. Paglingon ko, masaya niya akong binati, “Elisa! Kumusta? Ako ito, si Joan! Naaalala mo?” Napaisip ako bigla. Inaalala ko kung sino siya. Dati bang kapitbahay o dating katrabaho? Hindi ko talaga siya makilala.

Nahalata niya na hindi ko siya maalala. Kaya naman, sinabi niya, “Nagkakilala tayo noong high…

Hindi Masusukat

Para sa isang claustrophobic na tulad ko, napakahirap ang manatili sa loob ng MRI machine. Kinailangan kong ituon ang isipan ko sa ibang bagay at para maalis ang isipan ko kung nasaan ako.

Habang naririnig ko ang tunog ng makina, naisip ko ang sinasabi sa Efeso 3, “kung gaano kalawak, at kahaba, at kataas, at kalalim ang pag-ibig ni Cristo” (TAL.…

Pag-asa

Ilang taon na ang nakakaraan, pinangalanan namin ang aming Christmas tree na ‘Pag-asang Magkaanak.’ Matagal na kasi naming sinusubukang mag-ampon. Noong paskong iyon, umasa kami na magkakaroon na kami ng aampunin.

Tuwing umaga, nananalangin kami sa lugar kung nasaan ang Christmas tree. Ipinapaalala namin sa aming sarili na tapat ang Dios. Pero hindi sinagot ng Dios ang aming panalangin. Naitanong ko…